Noong ika-10 ng Setyembre 2020, ginanap ang Freshie Orientation Program at University Welcome Assembly (FOWA) sa pamamagitan ng Facebook at Youtube.
Taon-taon itong isinasagawa ng Office of the Vice Chancellor for Student Affairs (OVCSA) upang ipakilala sa mga bagong Isko at Iska (freshies, ika nga) ang unibersidad – kabilang na ang mga pasilidad, mga kolehiyo,opisina, at ang mga pinuno nito. Mayroon ding mga natatanging palabas mula sa mga ate at kuyang nahubog ang mga talento sa unibersidad.
Isa sa mga nakilahok na opisina ay ang General Education Center (GEC) na pinamumunuan ni Dr. Nancy Kimuell-Gabriel. Sabik niyang ibinahagi sa mga freshies ang 2017 General Education Program at ang mga layunin nitong maisabuhay ng bawat Isko at Iska ang pagmamahal sa pagkatuto, pagtuklas sa katotohanan, pagpapahalaga sa bayan at sa katarungan para sa mga mamamayan o ang #TatakUP.
Ipinakilala rin niya ang GE Center na nangangasiwa at tumitiyak na ang GE Program ay naipatutupad.
Nagbigay din ng kaunting tips para sa remote learning sa bandang huli ng programa ng FOWA 2020.